Tandang-tanda namin ni kuya ang saya at lumbay sa poder nila inay at itay ... lalo na ang mga magagandang lessons na natutunan namin sa kanila.
Si Inay, tinuruan nya ako ng HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas ng bahay. Mga punyeta kayo, kalilinis ko lang ng bahay!"
Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag 'yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
Si Itay, tinuruan nya kami ni Kuya kung ano'ng ibig sabihin ng TIME TRAVEL.
"Kung di kayo tumigil ng pagngangangawa dyan, tatadyakan ko kayo ng todo hanggang umabot kayo sa isang linggo!"
Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag dyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."
Si Inay ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka, kundi bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
Kay Inay ako natuto ng science of OSMOSIS.
"Punyeta, itigil mo ang kadadakdak at tapusin mong kainin ang inihanda kong hapunan para sa iyo."
Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo?!?"
Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano'ng ibig sabihin ng STAMINA.
"Hwag kang tatayo dyan hangga't di mo natatapos kainin lahat 'yang gulay mo!"
At si Inay ang nagturo sa amin kung ano'ng ibig sabihin ng WEATHER.
"Alangya, ano ba itong kwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
CIRCLE OF LIFE: ang paliwanag sa akin ni Inay ay ganito:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maaari rin kitang alisin sa mundong ito."
Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tatadyakan kita dyan, huwag ka ngang mag-uumarte dyan ng parang Nanay mo!"
Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung ano'ng ibig sabihin ng ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"
Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"T-----a kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay .... !"
At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung ano'ng ibig sabihin ng RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay ...!"
Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo sa pinaglalaruan mong lawn mower, hwag na hwag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"
Si Inay ang nagturo sa atin kung ano'ng ibig sabihin ang GENETICS.
"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya."
Kay Inay din ako natuto ng WISDOM.
"Pag umabot ka na ng edad ko, tsaka mo pa maiintindihan ang lahat."
At ang paborito ko sa lahat ay natutunan ko kay Inay at Itay ang JUSTICE.
"Isang araw, magkakaroon ka rin ng anak, panalangin namin na sana'y matulad sila sa yo ... haliparot!"
- galing to sa forwarded e-mail. La lang. hehehe.
blah-blah-ger
Friday, October 01, 2004 at 6:42 PM
Mga Ginintuang Paalala
© Nick Ballesteros 2005 // Powered for Blogger by Blogger templates